Bagong tourist attraction ng Bislig City, Surigao del Sur patuloy na dinarayo

BISLIG CITY, Surigao del Sur (Eagle News) – Isa sa mga dinarayong bagong tourist attraction ngayon sa Bislig City ay ang floating resort na matatagpuan sa Brgy. Caguyao, Bislig City, Surigao del Sur.

Dinarayo ito hindi lamang ng mga lokal na turista kundi maging ng mga dayuhan na hangang-hanga sa disenyo na tatak Pinoy. Bakas sa mga mukha ng mga turistang nagpupunta sa nasabing lugar ang kasiyahan. Na-i-enjoy nila ang malinaw na tubig ng dagat, sariwang hangin, mga masarap na pagkain at magandang kapaligiran lalo na ang paglubog ng araw.

Kaya kung gustong mag-relax at mag-unwind kasama ang pamilya o kabarkada. Isama mo na sa listahan mo ang tourist destination na ito sa mga susunod mong adventure.

Issay Daylisan – EBC Correspondent, Bislig City, Surigao del Sur