Bagong Gusaling Sambahan ng Iglesia Ni Cristo sa Zambales, pinasinayaan

Itinalaga at pinasinayaan ang maganda at bagong gusaling sambahan ng Iglesia ni Cristo sa Barangay Rabanes,  Bayan ng San Marcelino, Zambales noong Biyernes, Hunyo 10, 2016.

Ang nasabing pagtitipon ay pinangunahan ni District Supervising Minister ng Zambales South Brother Emilio dL. Santiago.

Masayang-masaya ang mga miyembro ng Iglesia Ni Cristo sa dakong ito sapagkat napagkalooban sila ng gusaling sambahan na dito ay maipagpapatuloy nila ang pagsamba at pananalangin sa Diyos.

Labis din ang naging pasasalamat nila kay  INC Executive Minister Bro. Eduardo V. Manalo dahil sa patuloy na paggabay sa bawat kaanib ng INC at pagtugon sa bawat pangangailangan ng mga kaanib, isa na rito ang pagkakaroon ng Gusaling Sambahayn na matagal na rin nilang inaasam na maipagkaloob sa kanila.

(Eagle News, Rod de Leon – Zambales Correpondent)

DSC_0014 DSC_0030 DSC_0046 DSC_0077 photo_2016-06-10_15-15-54 photo_2016-06-10_15-16-25 photo_2016-06-10_22-21-52