Bagong gusaling sambahan ng Iglesia Ni Cristo sa lalawigan ng Capiz, pinasinayaan

bughaaan capiz

DULUNGAN, Capiz (Eagle News) — Isa na namang gusaling sambahan ng Iglesia Ni Cristo ang pinasinayaan  sa lalawigan ng Capiz sa pangunguna ng District Supervising Minister ng Capiz na si kapatid na Jose Pascua.

Ang malayo at mabulubunduking lugar ng barangay Bughaan, Dulangan, Capiz ay pinatayuan ng INC ng isang maganda at maayos na gusaling sambahan upang may magamit ang mga kaanib dito sa kanilang paglilingkod.

Ipinagpasalamat naman ng marami ng mga kaanib sa lugar na ito dahil napagkalooban sila ng isang maganda at maayos na dako na mapagsasambahan.

(Eagle News Correspondent, Capiz, Nathaniel Flores)