Bagong barangay chapel ng Iglesia Ni Cristo sa Naval, Biliran pinasinayaan

NAVAL, Biliran (Eagle News) – Karagdagang barangay chapel ng Iglesia Ni Cristo sa lalawigan ng Biliran ang pinasinayaan noong Sabado, October 8.

Ang bagong barangay chapel na ito ay matatagpuan sa Barangay Capinyahan, Naval, Biliran.

Pinangunahan ni Bro. Benjamin C. Omelda, District Minister ang pagpapasinaya kasama si Bro. Kapatid na Christopher Angeles, Assistant District Minister.

Para sa mga kaanib ng INC sa dakong ito, isang napakalaking biyaya na napagpatayuan sila ng isang barangay chapel, anila maisasagawa na ang pagsamba sa isang maayos at magandang kapilya sa kanilang dako.

Pagkatapos ng pagpapasinaya ay bakas na bakas ang ibayong kagalakan sa mga dumalo. Nagpaabot din sila ng pasasalamat kay Bro. Eduardo V. Manalo ang kasalukuyang Executive Minister ng INC.

Vanessa Abangan – EBC Correspondent, Naval, Biliran

 

1a1c2fdc-53f2-46a9-9540-4675b832cc84

2db7e0e7-497e-4fbf-ae40-ffbcf4c1f528

09099783-2bdd-4ebc-89a0-77f641498d7e

ea774875-dc13-4319-8f5d-3d68e3b1894c