Bagong barangay chapel ng Iglesia Ni Cristo sa Lalawigan ng Apayao, Pinasinayaan

CONNER, Apayao —  Pinasinayaan na ang bagong barangay chapel sa Buluan, Conner, Apayao. Nasa 19 kilometro ang layo nito mula sa pinakamalapit na lokal ng Iglesia ni Cristo (lokal ng Mungo, sa Distrito ng Cagayan South) na siyang pangunahing nagmalasakit para makarating ang INC sa dakong ito.

Ang nasabing Barangay Chapel ay pangatlo na sa mga napasinayaan sa taong ito sa distrito ng Cagayan South. Labis naman ang naging kagalakan ng mga kaanib sa Iglesia Ni Cristo sa dakong ito dahil sa pagkakaloob sa kanila ng bagong Kapilya.

Nagpasalamat din sila kay INC Executive Minister, Brother Eduardo V. Manalo sa patuloy na pagmamalasakit para sa kapakanan ng mga kaanib ng INC sa ginagawang paglilingkod sa Panginoong Diyos.

(Eagle News, Eman dela Cruz – Tuguegarao City Correspondent)

Image00001

Image00002

Image00003

Image00004

Image00005

Image00006

Image00007

Image00008

Image00009