Bagong barangay chapel ng Iglesia Ni Cristo sa Calamba, Laguna pinasinayaan




Pinagtibay ng Tagapamahalang Pangkalahatan ng Iglesia Ni Cristo, ang kapatid na Eduardo V. Manalo na pasinayaan ang bagong barangay chapel na matatagpuan sa Bgry. Lawa Calamba, Laguna. Ang pagpapasinaya at pagtatalaga sa nasabing kapilya ay pinangunahan ni kapatid na Mayonel Taal, District Minister ng Laguna West.

Ang lokal ng Lawa ay may kapasidad na 100 daang katao. Ito na ang pangatlong baranggay chapel na naitatag sa Laguna West.

Ang pagpapagawa ng mga ganitong barangay chapel ay malaking tulong para sa mga kaanib nito na naninirahan sa malalayong lugar para sa mga gawaing pagli-lingkod sa Panginoon Diyos. Kinikilala ng mga kaanib ng INC sa lugar na ito na malaking biyaya ito na ipinagkaloob ng Diyos para sa kanila, dahil dito nangako sila iingatan at mamahalin ang dakong ito.

Nagpahayag din sila na patuloy silang kaisa ng Pamamahala sa mga gawaing ispiritwal.