Bagong barangay chapel ng Iglesia Ni Cristo pinasinayaan sa Sandiat, Isabela

Mahigit dalawang kilometro mula sa pambansang lansangan ay matatagpuan ang bagong barangay chapel ng mga Iglesia Ni Cristo sa Sandiat , Isabela.
Matagal na hinangad ng mga kaanib sa INC sa dakong ito na sila ay mapatayuan ng maganda at maayos na gusali , sa pamamagitang ng pamamahala ng INC ay ipangakaloob ng Diyos ang kanilang kahilingan.

Pinangunahan ni kapatid na Daniel M. Castro, District Minister ng Isabela West ang pagpapasinaya sa bagong kapilya.

Maagang namang nagsidatingan ang mga dumalo sa nasabing pagpapasinaya at pagtatagalaga sa nasabing kapilya. Kita-kita ang kanilang kasabikan sa gagawing pagsamba, kahit malayo ang tirahan nila ay hindi nila ito alintana masaksihan lamang ang natatanging araw na ito.

Gaya ng mga napatayuan ng bagong kapilya, inaaalay nila sa Panginoong Diyos ang pasasalamat at pagpapasalamat din sa Tagapamahalang Pangkalahatan , ang kapatid na Eduardo V Manalo.

(Agila Probinsya Correspondent Ben Salazar)