Bagong barangay chapel ng Iglesia Ni Cristo pinasinayaan sa Macabibo, Misamis Occidental

Buong kasabikang dinaluhan ng mga kaanib ng Iglesia Ni Cristo ang pagpapasinaya at pagtatalaga ng bagong barangay chapel sa Macibibo, lalawigan ng Misamis Occidental.

Ang pagpapasinaya ay pinangunahan ni Bro. Benjamin O. Pelias, ang District Minister ng Misamis Occidental.

Labis naman ang naging pagpapasalamat sa Panginoong Diyos ng mga kaanib sa nasabing lokal ang pagkakasangkapan sa Pamamahala ng Iglesia Ni Cristo ang Kapatid na Eduardo V. Manalo sapagkat sa kahit sila ay nasa malayong dako ay patuloy nilang nadarama ang pag-alala at pagmamalasakit sa kanila lalong lalo na sa gawaing pang-espirituwal.

Nangako rin sila na patuloy silang magpapasakop sa Pamamahala at kailanman ay hindi magtataksil at lalaban sa kanila.

(Agila Probinsya Correspondent Dan Magpantay, Reported by Gel Tejada, Edited by MRFB)