Baby dolphin, napadpad sa baybayin ng Ormoc City

Ni Kimberly Urboda
Eagle News Service

ORMOC CITY, Leyte – Isang baby dolphin ang napadpad sa baybayin sa Brgy. Macabug Bay, Ormoc City, Leyte kamakailan.

Ayon kay Irish Belmonte, Section Head ng Fishery Research & Development, posibleng napadpad ang dolphin sa baybayin dahil sa malakas at malalaking alon.

Sa kasalukuyan ay nasa kostudiya na ng Bureau of Fisheries Ormoc City ang nasabing dolpihin.

Pansamantala muna itong aalagaan bago pakawalan dahil sa malalakas pa ang alon at masama pa ang panahon.

 

https://www.youtube.com/watch?v=E61J40hMLYw