Babae patay matapos tambangan ng riding in tandem sa Quezon City

QUEZON CITY, Philippines (Eagle News) – Pinagbabaril ng mga hindi pa matukoy na suspect ang isang babae sa  Quezon City noong Lunes ng gabi, September 4.

Kinilala ang biktima na si Maricar dela Cruz, 30 taong gulang.

Ayon sa mga saksi, kasagsagan pa ng maraming tao nang tambangan ng dalawang lalake ang biktima na nakasakay sa motorsiklo at may takip pa sa mga mukha si Dela Cruz.

Nakatambay lamang aniya sa harapan ng meat shop si Dela Cruz bandang 9:30 ng gabi sa Barangay Nova Proper, Susano Road, Novaliches, nang bigla na lamang lapitan ng mga nakasakay sa motor at pinagbabaril.

Matapos na maisagawa ang pamamaril dali daling tumakas ang mga suspect sakay sa kanilang get away vehicle.

Ayon kay Cristina Valencia, ina ni Dela Cruz, dating gumagamit ng shabu ang kanyang anak ngunit matagal na rin itong tumigil.

Wala rin aniya itong nakaaway at nakakabangga dahil mabait na tao ito.

Nagpaalam lamang aniya sa kaniya ang anak para bumili ng pagkain pero sa hindi inaasahang pagkakataon dito na nangyari ang kanilang hindi inaasahan.

Higit sa limang basyo ng bala ng hindi pa matukoy na calibre ng baril ang narekober sa crime scene.

Samantala blangko ang ina ng biktima sa motibo sa pagpatay sa kaniyang anak.

 

https://www.youtube.com/watch?v=ySU1Pr3k_80