Babae, arestado sa buy bust operation sa Taguig

(Eagle News) — Sa kulungan ang bagsak ng bente sais anyos na babae matapos kumagat sa buy bust operation na isinagawa ng mga otoridad sa Taguig City, 12:00 ng hatinggabi Biyernes, Hunyo 1.

Ayon sa kwento ng suspek na si Mobina Rovina napag-utusan lang sya ng isang alyas Muds na ihatid ang paper bag sa lugar na napagkasunduan kung saan kukunin ito ng isang nakataksi.

Ngunit lingid sa kanyang kaalaman ay droga pala ang laman ng paper bag na kanyang dala-dala.
Ito umano ang pangalawang beses na nautusan siyang maghatid ng paper bag ni alyas Muds.

Ayon sa otoridad, matagal na nilang minamanmanan ang galaw ng suspek na nagsisilbing runner ng droga ngunit tinutukoy pa nila kung sinu-sino ang ibang kasabwat nito.

Aabot umano sa higit isangdaan libong piso ang street value ng mga nakuhang shahu sa suspek.
Kakasuhan ito ng paglabag sa Republic of Acts 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002

Eagle News Service Paulo Macahilas