Apat na miyembro ng NPA, sumuko sa otoridad

KITCHARAO, Agusan del Norte (Eagle News) – Apat na miyembro ng New People’s Army (NPA) ang sumuko at kasamang isinurrender ang kanilang mga armas sa Agusan del Norte noong Miyerkules, November 22.

Ang naturang pagsurrender ng mga NPA sa Brgy. Canaway, Kitcharao ay kasabay ng programa na inilunsad ng mga barangay official ng Canaway sa pangunguna ni Kitcharao Mayor Aristotle Montante at Agusan del Norte Governor Angel Amante-Matba.

Samantala, namahagi at nagpaabot ng tulong ang mga naturang opisyal sa mga residente ng barangay ng goodie bags na may lamang tatlong kilong bigas, noodles at can goods na lubos naman nilang ipinagpasalamat.

Kabilang din sa programa ang panunumpa ng mga lumad na hindi sila lalaban at magkakaroon ng anumang koneksyon sa rebeldeng grupo ng New People’s Army.

(Eagle News Correspondent Nova Villafañe)