Apat na katao, arestado sa buy-bust operation sa Quezon City 

(Eagle News) — Arestado ang apat na katao sa isinagawang  buy-bust operation ng Quezon City Police District sa Quezon City nitong Miyerkules ng gabi, Setyembre 13.

Kinilala ang  apat na suspek na sina Solayman Aliman, Amiden Akon, Datu Aliman at alyas Jeffrey na nacorner ng mga operatiba ng  Drug Enforcement Unit sa Barangay Tandang Sora at Old Balara.

Pawang mga notorious na tulak ng ilegal na shabu ang apat na suspect na ang kadalasang parokyano ay ang malapit sa lugar kung saan sila naaresto.

Mga suspek, umaming sa kanila ang nakuhang shabu

Aminado naman ang mga suspek na sa kanila ang mga nasabat na kontrabando.

Nagawa lamang aniya nila ang pagbebenta ng shabu dahil din sa hirap ng buhay.