Anim na sibilyan, dinukot ng mga armadong lalaki sa Patikul, Sulu

PATIKUL, Sulu (Eagle News) – Bagaman kinumpirma ng militar ang panibagong kaso ng pagdukot sa Sulu, hindi pa rin matukoy ni Brig. Gen. Cirlito Sobejana, Commander ng Joint Task Force Sulu kung saan dinala o tinago ng mga bandidong kidnaper ang kanilang bagong mga bihag na mula sa Patikul.

Ayon kay Sobejana, pasado 8:00 nitong Martes, November 14, pinasok ng mga armadong lalaki ang Phase-4 ng Brgy. Kalimayan, at tinutukan ng baril ang bawat madaanan nila.

Saka hinila umano ang limang lalaki kabilang na ang isang menor de edad bago tumakas.

Pinangalanan ni Sobejana ang mga nabihag na sina:

  • Jessy Trinidad, 55 taong gulang
  • Nene Trinidad 56 taong gulang
  • Lucy Hapole 21 taong gulang
  • Aalloh Trinidad, 22 taong gulang
  • Nelson Hapole
  • Jun Hapole (menor de edad)

Hindi pa umano malinaw kung ano ang motibo ng mga bandido.

(Ferdinand Ramos – Eagle News Correspondent)