Anim na miyembro ng rebeldeng grupong NPA sumuko sa militar

Ang anim na mga miyembro ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) na kusang sumuko sa militar./75th Infantry Batallion, Philippine Army/

BISLIG, Surigao del Sur (Eagle News) – Anim na miyembro ng Communist Party of the Philippines-New People’s Army (CPP-NPA) ang kusang sumuko sa mga militar sa Surigao del Sur kamakailan.

Kinilala ang mga kusang sumuko na sina:

  1. Jonathan Navarro
  2. Selbert Camarillo
  3. Edelberto Navarro
  4. Merelena Navarro
  5. Joebert Camarillo
  6. Jomar Camarillo

Ang mga suspek na sumuko sa Camp Jaime N. Ferrer sa Brgy. Maharlika, Bislig City ay pawang mga miyembro ng SYP Platoon 3 ng Southern Mindanao Regional Committee.

Ang mga nasabing surrenderee ay nakumbinsi ng kanilang mga mahal sa buhay at ang patuloy na kampanya ng local na pamahalaan ng Bislig na maibalik sila sa pangangalaga ng pamahalaan.

Ipagkakaloob din sa kanila ang pagkakataong makasama sa programang CLIP o Comprehensive Local Integration Program ng pamahalaan. Ang programang ito ay nagbibigay ng financial at livelihood assistance sa mga former member ng CPP-NPA.

Naikwento ng mga sumuko ang hirap na kanilang dinanas, sobrang gutom at pagod sa pagtatago laban sa sangay ng gobyearno na tumutugis sa kanila.

Isinurender ng mga sumukong NPA ang isang AK47, isang M16A1, isang improvised M14 rifle, isang home-made shotgun, isang calIber 357 revolver at dalawang hand grenades.

Mainit ang naging pagtanggap ni LTC Jaime R. Datuin sa pag surrender ng mga miyenbro ng NPA.  Issay Daylisan, Eagle News Service