AFP tiniyak na hindi makakalabas  ng Marawi si Isnilon Hapilon 

(Eagle News) — Tiniyak ni Armed Forces of the Philippines chief of Staff Gen. Eduardo Año na hindi nila hahayaang  makalabas ng Marawi si Abu Sayyaf leader Isnilon Hapilon.

Sinabi ni Año na dalawang main group ng teroristang Maute ang siyang nakikipaglaban ngayon sa militar.

Ito ay ang grupo ni Hapilon at Omar Maute na bumihag sa paring Katoliko na si Chito Suganob.

Ibinunyag ni Año na kasama pa rin ni Hapilon ang mga miyembro nito mula Basilan.

https://youtu.be/x4qSYaVTW4A