AFP at PNP, nakikipagtulungan sa BJMP hinggil sa nangyaring Cotabato jailbreak

(Eagle News) — Nakikipagtulungan na ang Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) sa Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) matapos ang nangyaring jailbreak sa Cotabato District Jail sa Amas, Kidapawan City.

Magiging katuwang ng BJMP ang AFP at Special Action Force (SAF) ng PNP sa clearing operations sa palibot ng kulungan at sa mga kalapit lugar.

Inilunsad na rin ang manhunt operations sa isandaan at tatlumput dalawang (132) inmate na nakatakas sa nasabing kulungan.

Nananatiling nasa heightened alert ang lahat ng BJMP units sa Region 12 kaugnay sa nangyaring jailbreak.

Kabilang sa mga nakatakas ay ang alalay ng lider ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) na si Ameril Umbra Kato.