DPWH, magsasagawa ng road reblocking at repair sa QC

Screen shot 2016-05-27 at 8.14.10 PM(Eagle News) — Magsasagawa ng road reblocking ang Department of Public Works and Highways (DPWH) ngayong weekend sa ilang pangunahing lansagan sa Quezon City.

Sa abiso ng DPWH-National Capital Region (NCR), isasagawa ang road reblocking at repair sa kahabaan ng Commonwealth, Mindanao Avenue at Congressional Avenue na magsisimula mamayang 10:00 ng gabi hanggang 5:00 ng madaling araw sa Lunes,  Mayo 30.

Narito ang partikular na pagsasagawaan ng road reblocking/repair:

  • Commonwealth Avenue:
    • Southbound, sa pagitan ng Commonwealth Market hanggang West Riverside overpass;
    • Northbound, sa pagitan ng Ever Gotesco hanggang Batasan Road;
  • Mindanao Avenue:
    • Northbound mula Catleya Street hanggang Road 8;
  • Congressional Avenue:
    • Eastbound, 2nd lane mula Island sa pagitan ng Visayas Avenue, tapat ng Tierra Pura Subdivision.