8 barangay sa Surigao City isinailalim na sa preemptive evacuation dahil sa bagyong Samuel

(Eagle News) — Isailalim na ng City Disaster Risk Reduction and Management Council ng Surigao City ang walong barangay sa lalawigan dahil sa patuloy na epekto ng bagyong “Samuel.”

Kabilang sa walong barangay ay ang Barangay Luna, Washington, San Juan, Sabang, Punta Bilar, Ipil, Lipata at Mabua.

Bumuo naman ng clusters ang CDRRMC para matugunan ang pangangailangan ng walong lugar.
Nagpalabas na rin ng mga hotline number para maging gabay ng mga Surigaonon sa panahon ng pangangailangan.

Inilabas na rin ang Executive Order No. 42 mula sa tanggapan ni Mayor Ernesto Matugas ang pag-sususpinde ng pasok sa lahat ng antas hanggang sa bumuti ang panahon.

Tinatawagan naman ng pansin ng lokal na pamahalaan ang lahat na umugnay sa mga tanggapan kung mayron silang nais na ihingi ng tulong.

Nagpaalala naman ang alkalde na pagibayuhin ang pag-iingat sa magiging pagsalanta ng bagyong Samuel.
(Eagle News Surigao Bureau Jabes Juanite)

https://youtu.be/celqEEY90zk