5 miyembro ng Maute, patay sa panibagong engkwentro sa Marawi City 

(Eagle News) — Patay ang limang miyembro ng ISIS-inspired Maute Group sa panibagong engkwentro sa pagitan nila at ng tropa ng gobyerno sa Marawi City.

Naganap ito sa isang gusali na pinagtaguan ng mga terorista kung saan natagpuan ang dalawang bangkay ng napatay na Maute members at mga matataas na kalibre ng baril, night vision goggles at improvised explosive device.

Sa impormasyong nakalap ng mga sundalo, hawak pa rin ng mga bandido ang ilan pang bihag na siyang nagpapabagal sa clearing operations na isinasagawa ng mga otoridad.