5 miyembro ng ipit-bus, arestado sa Makati City

(Eagle News) — Limang suspek ang naaresto ng mga otoridad matapos na biktimahin ang isang pampasaherong bus sa Buendia area Huwebes ng gabi, Enero 3.

Nacorner ang mga mandurukot matapos na makapagsumbong ang mga complainant at makarating sa Makati City Police ang ginawang modus ng mga suspek.

Kabilang sa naaresto ay ang lider ng grupo na kinilalang si Ruel Bautista alyas “Kokoy.”

Modus ng mga suspek na libangin lahat ng mga pasahero ng mga bus hanggang sa madukutan nila ang mga ito. Kani-kaniyang tasking ang mga suspek upang maisagawa ang kanilang pandurukot.

Narekober sa mga suspek ang walong mga cellphone na nagmula sa kanilang mga biniktima.

Patuloy naman ang paalala ng pulisya sa publiko na mag-ingat sa ganitong modus ng mga kawatan.

(Eagle News Service Earlo Bringas)