40% ng mga alkalde sa Quezon Province, pormal nang nanumpa sa PDP-Laban

LUCENA CITY, Quezon (Eagle News) – Pormal nang nanumpa sa  Partido ng Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban) ang 18 alkalde sa lalawigan ng Quezon nitong Huwebes ng umaga, ika-12 ng Oktubre.

Kasama ng mga alkalde— o 40 porsyento ng mga alkalde sa probinsiya—ang mga lokal na opisyal ng mga barangay sa kanilang panunumpa sa lungsod ng Lucena.

Pinangunahan ni  Speaker Pantaleon Alvarez ang nasabing panunumpa.

Ang PDP-Laban na ruling party ngayon ay pinamumunuan sa Quezon ni Secretary of Justice Vitaliano Aguirre II.

 

Allan Llaneta – Eagle News Correspondent

 

https://www.youtube.com/watch?v=QdKTo6uJYyk&feature=youtu.be