4 katao, kabilang ang isang sanggol, patay sa banggaan ng bus at FX sa Puerto Princesa, Palawan


PUERTO PRINCESA, PALAWAN (Eagle News) — Apat na katao, kabilang na ang isang sanggol ang nasawi sa nangyaring banggaan ng isang bus at FX sa Santa Cruz, Puerto Princesa, Biyernes ng umaga, Enero 12.

Ang bus na may plakang W8-881 na galing sa bahaging norte ang tumihaya matapos itong hindi nakapagpreno at bumangga sa isang FX sa Bitukang Manok.

Ganito ang tawag dito dahil sa liku-likong daanan nito.

Ayon sa ulat, tatlo sa sakay ng FX ang nasa kritikal na kalagayan habang marami naman sa mga pasahero ng bus ay nasugatan.

Kabilang na dito ang driver ng FX na kinilalang si Ruben Talde.

Si Talde ay naipit sa loob ng bus.

Patuloy namang nagsasagawa pa ng imbestigasyon ang mga otoridad kaugnay ng tunay na pangyayari.

(Anne Ramos)