3 volcanic earthquakes, rockfall event naitala sa Bulkang Mayon

(Eagle News) — Nakapagtala ang bulkang Mayon ng tatlong beses na pagyanig o earthquake at isang rockfall event sa nakalipas na 24-oras.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS), ang nasabing mulkan ay aktibo pa rin kung kaya nakataas pa rin ang Bulkang Mayon sa Alert Level 2 na nangangahulugang nasa moderate level ng unrest.

Pinapayuhan naman ang publiko na mag-ingat sa posibleng pagsabog, pagbubuga ng abo, lava collapses, at pyroclastic density currents mula sa bulkan.

Hindi pa rin pinahihintulutan ang publiko na pumasok sa loob ng six kilometer-radius permanent danger zone ng Bulkang Mayon.