3 Koreano, 1 Pilipino na miyembro umano ng kidnapping syndicate, arestado

Ang mga suspek na hinuli ng PNP-AKG noong Sabado./Mar Gabriel/ Eagle News/

Ni Mar Gabriel
Eagle News Service

Arestado sa operasyon ng Philippine National Police-Anti-Kidnapping Group ang tatlong Korean national at isang Pilipino na nasa likod ng pagkidnap sa mga Koreano sa Angeles, Pampanga.

Mismong si PNP Chief Ronald Dela Rosa ang nagpresenta sa mga suspek na kinilalang sina Kim Min Kwan alias Michael Lim, ang kambal na magkapatid na Cha Jae Young at Cha Jae Sun, at ang Pilipino na si Raymond Flores

Sa inisyal na report ng PNP-AKG , alas dos ng madaling araw noong Sabado nang kanilang nailigtas ang negosyanteng biktima na si Lee Dung Jae sakay ng isang Toyota Fortuner sa parking area ng Bureau of Immigration sa Intramurous, Manila.

Dito nila naaresto ang magkapatid na Cha at si Flores na nagbabantay sa biktima habang si Kim ay naaresto naman sa follow-up operation malapit sa kaniyang condominium unit sa Padre Faura St., Ermita.

Bago dukutin si Lee, una nang dinukot ng mga suspek noong Huwebes ng umaga sina Kim Dae Hyun,Jung Ju Wan, Kim Woo Min, na ipinatubos ng P1.2 million.

Modus umano ng mga suspek na maghanap ng target na Koreano at pagkatapos nito ay kukumuha sila ng pekeng mission order sa kasabwat umano nilang tagaBI na si Carlos Garcia alias Oxo.

Base sa mga nakuhang impormasyon ng AKG, dalawang tauhan umanoy tauhan ng BI  at tatlong tauhan ng National Bureau of Immigration ang kasabwat ng mga suspek.

Ang modus ng mga suspek hindi raw nalalayo sa grupo ng mga pulis at NBI agents na dumukot at pumatay sa negosyanteng si Jee Ick Joo.

Nakikipag-ugnayan na ang AKG sa BI at NBI para tugisin ang mga tauhan nila na sinasabing sangkot sa kidnapping.