3 INC ministers, nagsumite ng affidavit sa NBI; alegasyong abduction, pinabulaanan




(Eagle News) — Tatlong ministro ng Iglesia Ni Cristo ang nagsumite na ng kanilang affidavit para pabulaanang sila’y dinukot.

Ayon sa source mula sa Department of Justice, mismong sa NBI isinumite ang salaysay nina Julius Nemis, Nolan Olarte at Joven Sepillo, pawang mga ministro ng INC, para pabulaanan ang alegasyon ni Eliodoro “Joy” Yuson na sila raw ay dinukot.  Si Yuson ay isa sa mga itiniwalag na ministro ng INC.

Inalis si Yuson noong nakalipas na taon dahil sa insubordination at abandonment of duty.