27 na tauhan ng ng Anilao Municipal Police Station sa Iloilo, sinibak

(Eagle News) – Dalawampu’t pitong mga tauhan ng Anilao Municipal Police Station sa Iloilo ang sinibak sa puwesto matapos mahuli sa isinagawang surprise inspection na karamihan sa kanila ay natutulog sa oras ng trabaho.

Ang order sa pagsibak sa mga nasabing pulis ay ibinigay ni Police Regional Police Office 6 Head Chief Superintendent John Bulalacao.

Ayon kay Chief Superintendent John Bulalacao, kabilang din sa sinibak ay si Senior Inspector Menrico Candaliza ang hepe ng nasabing police station dahil sa “command responsibility.”

Nitong Huwebes nang magsagawa ng surprise inspeksyon ang mga tauhan mula sa National Police Commission-Western Visayas.

Sabi ni Bulalacao ang pagtulog habang nasa trabaho ay isang mapanganib na paglabag para sa mga pulis sa Anilao dahil mayroong umiiral na banta ng komunistang rebelde sa lugar.