243 na establisyimento sa Boracay, binigyan ng accreditation ng DOT

(Eagle News) – Umabot na sa 243 ang bilang ng mga establisyimento sa Boracay Island na binigyan ng accreditation ng Department of Tourism (DOT).

Ayon sa DOT, habang papalapit ang holiday season ay nasa 9,248 rooms na ang available para sa mga turistang bibisita sa isla.

Binigyang diin ni Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat na lilimitahan pa rin ng ahensya ang tourist arrivals sa Boracay sa 6,405 kada araw.

Nagpaalala naman ang ahensya sa publiko na gawin lamang ang reservations sa mga hotel at resort na nakasunod sa requirements ng DOT, Department of Environment and Natural Resources (DENR) at Department of Interior and Local Government.

Noong nakaraang buwan nang muling buksan sa mga turista ang Boracay Island matapos ang anim na buwang rehabilitasyon.