22 Chiefs of Police sa Rehiyon II, sinibak

(Eagle News) — Tinanggal na sa kani-kanilang puwesto ang 22 chiefs of police (COP) sa Cagayan Valley region matapos silang bumagsak sa pagpapatupad ng kampanya ng gobyerno laban sa iligal na droga.

Screen shot 2016-08-26 at 7.49.06 PM
PC/Supt. Gilbert Sosa, PNP Region II Acting Director

Ayon kay PNP Region II Acting Director, PC/Supt. Gilbert Sosa, nabigo aniya ang 22 chiefs of police na maipakitang magiging mabisa silang katuwang ng PNP sa pagnanais ni Pangulong Rodrigo Duterte na mawala o mabawasan ang operasyon ng iligal na droga sa bansa sa loob ng anim na buwan.

Sinabi pa ni Sosa na binalaan naman niya nang mag-assume siya sa pwesto noong nakaraang buwan ang kanyang mga COP at provincial directors na mag-double time sa kampanya kontra droga at kung hindi makakamit ang kanilang target sa itinakdang deadline, sisibakin  ang mga ito .

Papalitan umano ni Sosa ang mga sinibak na pulis ng mga mas mahuhusay magtrabaho upang makamit aniya ang hangaring maging drug-free ang Region II.