2 pulis na binihag ng mga rebeldeng NPA, pinalaya na

SURIGAO CITY, Surigao del Norte (Eagle News) – Pinalaya na ang dalawang pulis na bihag ng New People’s Army sa lalawigan ng Surigao del Norte.

Humigit kumulang dalawang buwan na binihag sina PO2 Alfredo Degamon at PO2 John Paul Doverte bago ang matagumpay na negosasyon sa pagitan ng gobyerno at ng nasabing grupo.

Isinailalim sa medical checkup ang dalawang pulis bago ito bumaba mula sa lugar ng Gigaquit, Surigao del Norte. Jabes Juanite, Eagle News Service

 

https://www.youtube.com/watch?v=ACjMZ8l4Y70&feature=youtu.be