2 pulis-Maynila, nasampolan ng PNP-CITF dahil sa pangongotong

MANILA, Philippines (Eagle News) — Dalawang pulis ang nasampolan ng Philippine National Polcie Counter Intelligence Task Force sa isinagawang operasyon sa Ermita, Maynila.

Huli sa akto ang dalawa na nangongotong sa pulis na nagpanggap na taxi driver.

Kinilala ang dalawang pulis na sina SPO1 Rodito Magluyan at PO3 Roel Candelario na kapwa nakatalaga sa Malate Police Station.

Eagle News Service