13 BIFF patay sa engkuwentro sa Maguindanao; anim na sundalo sugatan

(Eagle News) — Labintatlong miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) ang napatay sa sagupaan sa Philippine Army sa Maguindanao nitong Miyerkules, ika-4 ng Hulyo.

Ayon sa AFP, anim ang nasugatan sa panig ng 40th Infantry Batallion ng Philippine Army sa engkuwentro na tumagal ng mahigit sa isang oras.

Umatras ang mga terorista matapos silang bombahin ng militar gamit ang 105-millimeter howitzers cannon at dalawang helicopter gunship ng Philippine Air Force (PAF).

Narekober ng militar sa mga napatay na BIFF ang apat na M16 armalite rifles, dalawang M14 rifles, isang RPG at mga bala.