12 katao kritikal sa karambola ng 10 sasakyan sa Parañaque

(Eagle News ) — Tinatayang 20  katao ang sugatan matapos ang nangyaring karambola ng sampung sasakyan Biyernes ng umaga, Marso 9, sa Roxas Boulevard, Parañaque City.

Sa 20 katao, nasa kritikal na kondisyon ang 12.

Kabilang sa salpukan  ang dalawang bus, apat na jeepney, dalawang UV Express van at dalawang motorsiklo.

Ayon sa salaysay ng isang opisyal ng Metropolitan Manila Development Authority Metrobase, isa sa mga bus ang hindi kaagad nakapagpreno dahilan upang nagresulta ito ng karambola ng mga sasakyan.

Nagpabigat ang insidente pa sa daloy ng trapiko.

Agad naman itinakbo sa San Juan de Dios Hospital ang mga biktima.

Samantala, ang drayber ng bus ay nasa kustodiya na ngayon ng awtoridad.

Ituturn-over naman siya sa traffic sector sa Parañaque.