110,000 sako ng bigas, dumating na sa Zamboanga

(Eagle News) — Dumating na sa zamboanga port ang 110,000 sako ng bigas.

Sinabi ni National Food Authority (NFA) Spokesman Rex Estoperez, na naipakalat na rin ang tig-10,000 sako ng bigas ng NFA sa Basilan, Sulu, Tawi-Tawi at nasa 20,000 na sako naman ng bigas sa Zamboanga, Sibugay.

Payo ni Estoperez sa publiko, huwag ng maghanap ng maputi at murang bigas sa palengke dahil ang commercial rice na nabibili ngayon ay galing na sa mga magsasaka sa Pilipinas at hindi na sa backdoor.

Sinabi pa ni Estoperez, na sapat naman ang suplay ng bigas sa bansa dahil hunyo pa lamang ay nag-angkat na ang Pilipinas.

https://youtu.be/hhXvVQQzOuI