11-oras na brownout, mararanasan sa Negros Oriental sa Sabado, September 2 – NGCP

(Eagle News) — Makakaranas ng 11-hour power outage ang ilang parte ng Negros Oriental sa Sabado, Setyembre a dos, dahil sa gagawing maintenance activities ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP).

Sa inilabas na advisory ng NGCP, magsisimula ang power outage ng ala-siete ng umaga (7:00 AM) na tatagal hanggang ala-sais ng hapon (6:00 PM).

Ilan sa maaapektuhan ay ang NORECO I sa Bais, Bindoy at Guihulngan substations, habang sa NORECO II ay ang Tanjay substation.

https://youtu.be/bMQz5KKeR5M