1 Million Lapis Project ng CWC – Western Samar suportado ng PNP Calbayog

CALBAYOG CITY, Western Samar (Eagle News) – Suportado ng Calbayog City Police Station ang One Million Lapis Project ng Council for the Welfare of Children (CWC). Ang proyektong ito ay para sa selebrasyon ng National Children’s Month sa darating na Nobyembre. Ang programang ito ay napapaloob sa RA10661 “National Children’s Month Act Series of 2015.”

Layunin ng proyektong ito ay para ikampanya ang karapatan ng mga kabataan sa edukasyon lalo na ang mga kabataan na hindi nakapag-aral.

Mula lamang noong August 16, 2016 ay may kabuuan ng 854,521 na nag-commit nagbibigay ng lapis mula sa mga Pribado at Business Establishments. Hanggang Oktobre 28, 2016 naman ang pinaka-deadline nila para makumpleto ang isang milyong lapis. Sa Nobyembre 5, 2016 naman ang official Announcement sa Kick-oof Celebretion ng 2016 National Children’s Month.

Courtesy: Renante Flores