1 katao patay, 4 pa sugatan sa pagbagsak ng boom crane sa Pasay

(Eagle News) — Isa ang nasawi at apat na katao naman ang sugatan matapos na bumagsak ang isang
boom crane na ginagamit sa construction sa lungsod ng Pasay.

Ang insidente ay nangyari bandang ala-una ng hapon.

Ayon sa mga otoridad, ang bumagsak na crane ay mula sa ginagawang STI Academic Center sa gilid na bahagi ng
Core Town Building.

Ang mga nasugatan at kaagad naman dinala sa San Juan de Dios Hospital malapit sa pinangyarihan ng insidente.

Bukod sa mga nasugutan at nasawi, tatlong sasakyan din ang nabagsakan ng crane.

Patuloy pang inaalam ang naging dahilan ng pagbagsak ng boom crane.

Pansamantala ding ipinagbabawal ang paglapit sa nasabing gusali bilang bahagi ng clearing operations at imbestigasyon.

(Photo and details courtesy of Ms. Tiffani Magana)